Thursday, July 5, 2007

Salamat sa aking mga mag-aaral! (tulang ukol at para sa aking mga mag-aaral)

Kung ilang masasakit na salita ang nabitiwan
Nang di sinasadya ay patawad!
Patawad sa mga pusong lumuha at napahiya!
Patawad kung sa bawat panaho'y nabulyawan ko
ang kawawang mga puso!
Nahagisan ng yesong makamandag,
Nagsungit, nagmura, nagalit nang taos,
Patawad sa panahong nasalubong ako't hindi nangitian,
Napansin o nalingunan...


Ang panaho'y kaydaling
mapalis, umaga kanina ngayo'y hapon na!
Pagtiisan ninyo ang gurong ang hangad lamang
ay kabutihan at ang kapakanan ninyo!
Kaysarap namnaming kayo'y natuto
at parang langit ang piling kung kayo'y nagbago!

P.S Nagpapasalamat ako sa pangkat ng Blessed Jane of Aza, espesyal kayo lagi sa akin!
sa Saint John of Macias sa makabuluhang talakayan!, Sa Blessed Raymund of Capua na walang sawang tumatahimik!, sa Saint Thomas Aquinas sa magiliw na pagtanggap at masayang samahang di ko malilimutan at ang Saint Hyacinth of Poland sa wagas at tapat ninyong pagtitiwala sa akin! Gabayan nawa kayo ng Diyos!

8 comments:

j said...

gadaku talinga namun sir ba!
nhahabag ang aking damdamin, sapagkat tatlong beses lamang tayo nagkikita sa isang linggo...

"Hindi ako nakakaintindi ng ingles. Ngunit nakapagsasalita ako nito."-moral

P.S. Ang galing mong mag-ingles!

Unknown said...

nang sir! wala ka gid nagreact tung gnhambalan ta ka gwapo ka!
anyway, it was a dare... hihihi
special ka man sa'mon sir--
sa blsd jane of aza...
"we are solid "moralistas"

Unknown said...

UNTITLED
(Isang tanaga ni
Marya Angelina Dalpe)


Ang daho'y nalalanta
Ang bolpen'y walang tinta
Ang mga tinuro niya
Ay di na mawawala

Tayo ma'y pagalitan
Sa 'ting kapabayaan
Linawin ang isipan
Tayo'y may kasalanan

Ang ating kapakanan
Hangad niyang mapabuti
Siya ay wag kainisan
Sa huli'y magsisisi

"Sino siya?", tanong ninyo
Siya'y taong matalino
Siya ay ang ating guro
Siya ay totoong tao

Unknown said...

hahah.. uhm sir! di ko pa rin malimutan ang mga nangyari noong huling linggo. hindi ako lubos maisip na bihasa ka din sa wikang banyaga. ako ay namangha. hahah..

richard moral,jr. said...

ernest kalimutan mo na lang yun! hindi ko kasi ipinapakita yun sa mga tao lamang na kilala ako! ang pagsasalita ko ng Ingles...hahaha

richard moral,jr. said...

mali ang Filipino ko! sa itaas! Hindi ko kasi ipinapakita ang pagsasalita ko ng ingles, sa mga pagkakataon lamang na mahalaga talaga, ernest! salamat sa komento!

arYEL said...

ako'y nalilito at utak ko'y gulong gulo....isang filipinong makatang katulad mo'y nkikipgtalastasan sa wika ng mga amerikano....anu b ang nakain ko't ngkaganito..marahil iyon ay isang panaginip o marahil isang kuro-kuro....ang substitute ay ngng subordinate....anu nmn tlg ang tagalg ng subordinate n un...nkakalit,ako'y gulong gulo....ano b ito....g.moral...hehehehe

si sir????ginagawa nya ang aming araw n kasiyasiya....at npapatawa at naaliw kmi sa mga pksa n knyang itinuturo....kung baga....sa aming filipino....ngaun n kmi ay nsa huling taon n nmn...ay mababansagan kong...'save the best for last nga tlg' hehehe,,,,,keep it up sir! sa tagalog..'itago mo sa taas ginoo'...ahihi....

richard moral,jr. said...

salamat ariel, ipagpatuloy ang pagiging madaldal sa klase!