Monday, June 18, 2007

Panibagong yugto ng buhay!

Kung dati rati'y nakikipaglaro pa ako sa tutubi, nanghuhuli ng tipaklong sa linang, namumuslit ng mga aliling, saluysoy, maria kapra at uwang, ngayon hindi na maaaring humawak ni manguha ng mga yun! hindi na maaaring pumulot ng lupa upang maglaro at itapon sa pisngi ng kasama! hindi na rin maaaring magbabad sa tubig-ulan! ni ang sumakay at lumambitin sa marupok na sanga ng sinegwelas! manghuli ng mga palakang bukid sa sapa at kumain ng galang prutas sa gubat! hindi na maaari sapagkat naging maestro na si Dodong! lumaki na si junior... at anong hiya marahil kung nakita akong umakyat sa puno! nagtampisaw sa tubig-kanal! nanungkit ng kamatsiling hilaw! Anong hiya nga marahil!!! Bakit dumadating sa punto ng isang tao ang kalimutan ang larawan ng kabataang kanyang pinagkanlungan! Bakit kinakailangang layuan ang nakasanayan na at talikuran ang habang buhay na kaligayahang nakapagdudulot ng lugod sa puso ng isang nilalang! Ito ang panibagong yugto ng aking buhay! pagharap sa pagiging guro at pagpapatibay at paglilikha ng makabagong makata! SALAMAT SA BUHAY! Namimiss ko na ang aking buhay!!!! Kasihan nawa ako ng Diyos!

12 comments:

j said...

Hmm... being a teacher is never that easy, but anway, I strongly believe it'll be a no sweat for a richard moral.. Sana ay maging magaling ka na guro sa iyong mga estudyante-- pilyo man sila o hindi :)

mg-ismayl ka naman minzan.. =)
Hindi nga ako magaling sa Filipino subject, pero hindi ibig sabihin nun hindi ako naging isang tunay na Pilipino.. kailanman ay hindi ako magiging amerikano by blood.. alam ko yun..

kaya nga ipinagmamalaki ko na may agimat ang dugo ko! +)

-after all... I am 100% Filipino kahit mahina ako sa pagtatagalog...

pero sa ilonggohanay, paytz!:)

richard moral,jr. said...

salamat sa iyong kumento, nasiyahan ako! pinipigilan kong ngumiti, pero hindi ibig sabihin nun ay malungkutin na ako! masayahin ako! Maraming salamat! Nang taos sa puso!

Unknown said...

well...c sir moral...ay isang napakatalinong tao!=)

masyado nga nya akong naimpluwensyahang magtagalog dahil dati puro ingles ang mga tula at sTories nanagagawa ko.

Tama si bespren razellibabz!
smile nmn jan!

kailangan tlga ng mga Gurong tulad nya ngayon!
and as my bespren say...
YOU ARE GREAT!

richard moral,jr. said...

salamat, alia! totoo ba yan o para may grado lang!

Unknown said...

Totoo sir!
di ako nagbibiro=)..heheheh

j said...

pati ka da sir... gapataas lang na xa grade ky mahina mnn xa sa Filipino pras sakon!=b

down with teacher's pets!
ayhiii... joke lang...:)

kilala niyo ba si alia????
sino xa????
basi ASWANG

Unknown said...

Mahuya ka! basi ikaw aswang!

hehe..

joke lang to...

wala na man ko may ihambal...

buangit ka joyce!

richard moral,jr. said...

oe! kilala! si Mary Dalipe! oh, di ba? salamat gid sa mga comments! kung kis-a madugayan reply kay busy... pero okey lang! salamat...

Unknown said...

hala kilala mo gali ko sir???!!
well... i think its obvious nmn!
hehe..

frankly, last last week ko pa gina-imagine si sir moral mag english and it was a miracle that he did!

hahaha...daw maluha kami ka kadlaw bah...

gia imagine ko man kung pano siya mag-chinese garter...

"Nakakahiya...ang pangit tingnan ng sandals at school uniform."

at least hindi kami nakaiwan ng slippers sa stage=)

PEACE SIR!

richard moral,jr. said...

hahaha! kalimutan mo na lang yun! salamat sa tanaga, mary! ingat!

Unknown said...

Walang anuman sir.. hehe!

"Na-lock ang aking!!!!"


hahaha!

j said...

Na-lock ang ano???