Friday, December 11, 2009

Masaya lang ako

salamat sa bagong inspirasyon na patuloy na nagbibigay buhay sa akin...sa kanya ko lang ibibigay ang aking buhay...sa kanya ko lang iaalay ang aking hininga...sa kanya ko lang ibibigay ang buhay na tahimik at payapa....salamat at tinaggap mo ako...hahahahahaha...

Friday, November 27, 2009

Ang aking Pangarap ( Kung Sana Nga Lang)

Noong nasa kolehiyo ako, ang tanging pumapasok sa aking isipan ay kung ano ako sa hinaharap. Pinangako ko sa aking sarili na pagkatapos kong mag-aaral ay doon ako makikita sa liblib na bahagi ng bundok, nagtuturo ng mga kaalaman sa buhay, nagdadala ng kuwento, nagpapaabot ng mga bagong kahulugan sa buhay. Pinangarap kong magturo sa bundok, doon kasi walang chismis, hindi pinupuno ang iyong tenga ng mga panlalait, doon kasi walang nagpapalapad ng papel di gaya sa lungsod mahabang papel ang kailangang ihanda upang maging mabango ang pangalan sa paaralan. sa bundok kasi hindi mo maririrnig ang ugong ng mga sasakyan, hindi ka malilito sa abalang mundong iyong ginagalawan, doon malalanghap mo ang sariwang hanging palatandaan ng iyong buhay, may kapayapaang bumabalot sa iyong puso.Pinangarap kong sa bundok ako mamamalagi, doon nakagagawa ako ng mga kabutihang magpapabago sa buhay ng aking mga mag-aaral na di kailangang ipagsigawan, doon makikita mo ang kasimplehan ng buhay, mahahanap mo ang tunay na kaligayahan, kung sana makakaalis lamang ako sa paaralan ko ngayon, kung sana hindi pa ako mananatili nang kung ilang taon...hindi na ako masaya sa aking ginagalawang daigdig ngunit kailangan kong tanggapin na may misyon pa ako para sa aking sarili at sa aking pamilya...Sabik na sabik na akong makita ang aking sariling nakasakay sa skylab at dumadaan sa maputik na bahagi ng bundok, ang lulusong sa ilog at minsan pa'y maulanan sa gitna ng parang. Kung sana makakaalis na ako sa susunod na taon, kung sana lang kaya kong hilahin ang oras upang mapabilis ang ikot ng mundo, gusto ko ng umalis para sa aking sarili at sa aking pamilya, ito na lamang ang nagbibigay kahulugan sa aking buhay...Sila na lamang ang aking inspirasyon upang harapin ang mapait na bugso ng buhay. Kung Sana Nga Lang...

Saturday, November 7, 2009

-Isang Ligaw na Payo-

Hindi ko kayang kontrolin ang isang tao, hindi ko kasi pagmamay-ari ang kanyang buhay at katawan...Ngunit itinutulak ako ng aking sariling prinsipyo upang magpakumbaba para makausap at para lang makuha ang kanyang opinyon sa isang bagay. Isinulat ko ito hindi upang maipadama ko na naman ang pagmamahal ko sa isang tao, sinulat ko ito dahil gusto kong malaman niya na nag-aalala ako sa kanya, wala akong karapatang mag-aalala ngunit ito kasi ang sinisigaw ng aking damdamin, nag-aalala ako sa gabi-gabi niyang paglalamay sa paglalaro ng computer dahilan ng pamumula ng kanyang mata, nag-aalala ako sa kanyang kalusugan, sa kanyang maikling oras ng pagtulog, sa kanyang kalagayan...Hindi ko alam kung paano maiiba ang kanyang hilig o maiiba ba talaga? pero yun ang paraan niya upang makawala sa nakakapagod na trabaho ngunit hindi na ata tama na araw-araw na lamang at gabi-gabing naglalamay sa computer...mukha na siyang walang tulog, bangkay na naglalakad, payat, walang lakas, haggard, stress masyado dahil lamang sa kanyang kinahuhumalingan.. Ano nga ba ang magagawa ko kundi ang sabihin sa kanya at ipaalala sa kanya na please magpahinga muna siya at magrelax sa buhay..na mag-iingat siya dahil napakaikli lamang ng buhay...dahil kung wala siya hindi ko alam kung matututo pa akong magmahal...Ingat Yan!

Saturday, October 3, 2009

Mahirap Magpanggap

Oktubre 03, 2009

Ayaw ko siyang makita ngunit pinagtatagpo kami ng tadhana...mahirap magpanggap na wala kang nararamdaman ngunit bakit sa tuwing nakikita ko siya hindi ko maipaliwanag ang kaba? tumatakas ang dugo sa aking mukha...nanginginig ang buo kong katawan at namamanhid ang aking mga tuhod...talaga nga bang kahit sinasaktan niya ako at hindi pinapahalagahan ay magpapatuloy pa rin ako...hindi ko alam kung ako ang hindi karapat-dapat para sa kanya o talagang pangit, bobo at wala akong kuwentang tao para hindi niya tanggapin ang pagmamahal ko..tanggapin ibig sabihin ay bigyan ng pagkakataon...mababaw ang pagkakasulat ko ngayon dahil nagmamadali ako...salamat sa mga nagbabasa at patuloy pang magbabasa..

Sunday, September 20, 2009

Later

How could you come with me when you knew all along that you had to go
How could you watch me sleep so close to you pretending not to know
How could you memorize my name and forget who I am
How could you think your still the same believing I can
CHORUS 1:
It’s too late to start pretending
It’s too late for a new beginning
Later than the sunset later than the rain
Later than ever to love you again
How could you ask for more than an innocent smile trusting me to stay
How could you close the door and leave me here supposing I’m okay
How could you break down my disguise and uncover my fears
How could you look into my eyes ignoring my tears
CHORUS 2:
It’s too late to start pretending
It’s too late for a new beginning
Later than the sunset later than the rain
Later than never to love you again ( SOLO )
(Repeat chorus 2 except last word)
…again…yeah…yeah…ohh
It’s too late

Tuwing Umuulan


Pagmasdan ang Ulan, unti-unting pumapatak
sa mga halama't mga bulaklak.
Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot
sa buong paligid tuwing umuulan.
Kasabay ng ulan, bumubuhos ang 'yong ganda
kasabay rin ng hanging kumakanta.
Ma'ri bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa
hanggang ang hangi't ula'y tumila na.
Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan.
Tulad ng pag-agos mo 'di mapipigil
ang puso kong nagliliyab.
Pag-ibig ko'y umaapaw damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
tuwing umuulan at kapiling ka.
Pagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila,
ikaw ri'y magpapaalam na.
Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa.
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi.
Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa.
Hatid mo ma'y bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo.
Pag-ibig ko'y umaapaw damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
tuwing umuulan at kapiling ka.


-Kung paano ako nakikinig ng musika ay ganoon din kalakas ang puwersang bumabalot sa aking puso sa tuwing naririnig ko ang dalawang awiting ito. Dinadala ako sa ibang dimensyon ng aking pagkatao..Dinuduyan ako upang muling ibalik ang tumakas na mga araw sa aking buhay...Marahil kailangan ko minsan ang magmuni-muni upang muli kong matuklasan ang nakatagong pagkatao sa aking damdamin...Kailangan kong maghintay upang maramdaman ko ang tunay na pagmamahal...

Sunday, August 9, 2009

Pamamaalam

Isang taon akong naligaw dahil sa pagmamahal, ngayon magbabalik na ako sa aking sarili...Naaalala ko dati ang hangin na pinagmamasdan ko tuwing ang lungkot ay kumukumot sa marupok kong puso.Naaalala ko ang gumagalaw na dahon tuwing papalubog ang sikat ng araw, sumasayaw ito sa alapaap at habang pinagmamasadan ay natutukso akong hulihin at mapasakamay ko ang dahong natangay ng hampas ng hangin. Naaalala ko ang pamimitas ng bulaklak tuwing aalis ako ng bahay upang magbanat ng buto, higit sa lahat naaalala ko ang aking sarili, namimiss ko ito, kung sino ako, ano ako...Dahil sa pag-ibig at sa isang taong hinangaan ko araw-araw, gabi-gabi..Dahil doon nagbago ang takbo ng aking buhay, naging hangal at bulag ako sa katotohanag masasaktan ako sa hinaharap. Sa halos isang taon ay natuto akong magtiis, kalimutan ang aking sariling pangangailangan sapagkat inuuna ko at iniisip ang taong akala ko ay karugtong ng aking buhay at hininga, akala ko hindi ako masasaktan! akala ko walang katapusan ang aking pagmamahal ngunit kailangan ko pa palang mauntog at masaktan nang tagos sa puso, ang umiyak sa gitna ng kalsada habang umuulan, ang magmakaawa dahil lamang sa pagnanasa.. Inaamin kong handa na ako sa ganitong mga bagay...ngunit kung nandiyan ka na pala sa totoong pangyayari ay makakalimutan mo kung gaano mo siya kamahal...Sa halos isang taon ay marami akong natutunan, utang ko sa kanya ang ibang mga bagay. Ngunit pilit ko mang ibinabalik ang pagmamahal na tumakas sa aking puso ay hindi maaari, dahil namumugad na ang pait at galit dito...Gusto ko mang humingi ng tawad ay hindi dapat sapagkat kailanman ang katangahan ay matatawag lamang na katangahan kung isang beses lamang itong naubukan.Papaano nga ba mamamaalam sa isang taong mahal na mahal mo? Papaano nga ba wawakasan ang tinitibok ng puso? papaano nga ba ibabalik kung puno ng poot at paghihiganti? Hindi ako mang-aaway sa kanya kundi isang matamis na ngit ang aking ipapabaon sa kanya sabay sabing "mag-ingat ka at nawa'y may magmahal pa sa iyo, kagaya ng pagmamahal ko".

Sunday, July 5, 2009

Tuesday, June 16, 2009

Pananabik

Marami akong pinanabikang bagay. Mga bagay na marahil ay bahagi ng aking buhay. Marami akong namimiss sa buhay, lagaslas ng batis na pinakikinggan ko tuwing dumaraan sa maliit at makitid na sapa na kailangan kong tawirin upang ako ay makarating sa panulukan ng aming paaralan, dalisdis ng bundok na piping saksi ng aking kalikutan noong ako ay abnormal pa sa kabalighuan ng mundo, ang puno ng bayabas na humubog sa akin kung paano mangarap...tuparin ang pangarap na yaon...at ialay ang mga pangarap na yaon, sa kanyang mga sanga ay natuto ako kung paano maging maingat, kung saan ako hahakbang at paano ako kikilos. Ang puno ng bayabas ang nagturo sa akin kung paano maging matibay sa bawat hamon ng buhay, kung paano ako maging malakas sa bawat unos na kakatok sa aking magulo at makulay na mundo. Namimiss ko ang mga bagay na ito, mga bagay na babaunin ko sa aking patutunguhan, sa aking pupuntahan. Isa na nga akong bagong nilikha. Nararanasan ko na ngayon kung paano umibig, kung paano ang umasa, kung paano ang magtiis. Isa pala itong pangako, isang panuntunan sa buhay. Tulad ng aking mga karanasan sa buhay na nagsisilbing malaking punyal na umuukit sa aking puso tuwing nakalilikha ako ng isang kamalian nawa ang pag-ibig na nararamdaman ko ngayon ang magdadala sa akin tungo sa matagal ko nang hinahangad na kaligayahan.


P.S Maligaya ako ngayon kahit hindi matutupad ang nais ko sa kanya. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil hinuhulma niya ako kung paano maging isang tunay na tao.

Friday, June 5, 2009

SA BUHAY NA ITO.....

Para ako ngayong ibon...lumilipad nang malaya at nakagagalaw nang may ngiti ang puso. kahit ba nararamdaman ko ang unti-unting pagbabago at pakikitungo sa nag-iisa kong buhay at pag-ibig ay nararamdaman ko ang bigat ng aking puso. Gusto kong makausap siya lagi. Gusto kong kasama ko siya araw-araw, hindi ako nagsasawa. Gusto kong bumalik ang dati naming samahan, hindi nagkakailangan, hindi nahihiya sa isa't isa..Sa bawat araw na nilikha ng Diyos ay natuto akong magtiis at humanga sa kanya, nangangarap at nasasabik sa kanyang mukha..Alam ko na kabaliwan na ang nararamdaman ko, hindi na ito tama...Hanggat kaya ko pang magmahal at alagaan siya ay gagawin ko...hanggat ang puso ko ay tumitibok iaalay ko ito sa kanya...hanggat ang pangarap niya ay hindi pa nakakamit, narito ako at nakatayo sa kanyang likuran. Hindi ko kailangan ang sagot niya o kung gusto niya ako, ni hindi ko tinitingnan kung kaibigan lang ang turing niya...hindi na ako umaasa dun...ang mahalaga, maligaya ako sa bawat nakakamit niya...natutuwa ako, kahit nasasaktan...para sa kanya ang lahat ng aking ginagawa at di siya kailanman mapapalitan sa aking puso, dumaan man ang maraming tukso...Sa kunting panahon ay nabago niya ako at mababago pa...Lagi siyang laman ng aking dasal, araw-araw, gabi-gabi...

Saturday, March 21, 2009

Ang Aking Mundo

1. Tula at Kuwento

- Naisusulat ko ang hindi ko naipapalabas sa personal. naging sandigan ko ang pluma at papel bilang instrumento sa pagbabago ng aking sarili, upang matamo ko ang kaligayahang aking nararamdaman.

2. Pagbabasa

- Ibang mundo ang aking nalalakbay, sinusuyod ko mula sa pusod ng mundo ang mahihiwagang bagay na nililikha ng tao. Napapalapit ako sa imahinasyon, sa mundo ng pag-asa, nakalilipad ako sa pangarap at nakakawala sa kadena ng madugong katotohanan at realidad.

3. Pagtuturo

- Para bagang isang bagong nilikha ang aking nakikilala sa bawat araw na ako'y nagtuturo, pinapaalab ng aking puso at adhikain ang paniniwalang ang Guro ang tagahubog ng mundo! Sinisilaban nito ang aking panaginip na sana bukas, panibong mundo na ang aking makikita.. nagkakaisa, payapa, mapagmahal at nagtutulungan.

4. Paghanga

- Minsan lang akong humanga sa tao..Sinisigurado ko na karapat-dapat hangaan at saluduhan ang isang nilalang kung ipinakita niya sa akin ang aspeto ng pagbabago na malayo at hindi ko kayang magawa.. Humahanga ako sa taong wala at malayo sa aking katangian, lubos pa, pinangarap kong maging katulad nila...nguni't hindi ko maaaring balewalain ang aking sarili dahil masaya na ako kung ano ako at sino ako, ang kulang na lang ay yaong may magmamahal sa akin at tatanggapin ang aking pagkatao nang buong-buo.

5. Talino
- Ang nais ko'y matalino lahat ng tao, para bagang uhaw na uhaw ako sa katalinuhan, sabik na sabik na mapasaakin upang ito'y aking magamit sa tama at sa aking pagtuturo..Ito ang puhunan ko sa pakikipagkapwa kahit na ba, minsan inuuna ko itong tingnan kaysa sa pag-uugali ay nakikita ko pa rin ang kabutihan ng mga taong minsan ko nang nabansagang matalino...

6. Bundok
- Ito ang kanlungan ng aking pangarap, tagahubog ng aking bukas, inspirasyon sa aking paglalakbay. Dito ko ibabalik lahat ang aking mga pangarap, dito ko iaalay ang lahat ng aking tagumpay dahil lubos akong minahal ng aking nayon, ipinakita ang pag-aaruga, pinalaki ng maayos ng aking pamilya..Sila ang aking pinagkakautangan...Sila ang aking gagantihan.

Ito ang aking mundo...Mundong malayo sa katotohanan..ito ang buhay ko...buhay na kaiba sa karamihan...Ito ang pangarap ko, pangarap na kailanman ay hindi maipinta sa bughaw na langit ngunit patuloy kong ipinaglalaban...Ang mundo at ang buhay ko ay isang sining punung-puno ng pangarap, pag-asa at pag-unlad.

Sunday, March 15, 2009

Dahil Lamang.....





Kung bakit ang pinakamatamis na nilkha ng Diyos ay siya ring pinakamasakit sa lahat...Kung bakit hindi kayang pigilan ng damdamin ang umaasong pagmamahal at kung bakit hindi kayang kontrolin ng utak ang umuusok na pagnanasa. Bakit nga ba nagmamahal ang isang tao, ngunit wala namang patutunguhan...Bakit nga ba kailangan magsakripisyo , masaktan, masugatan, madapa, mabigo, umiyak...Bakit nga ba parang sinusundot ang aking puso, inuusig, nagmamakaawa...nais ko ng sumuko, nais ko ng bumitiw, ngunit papano ko bibitiwan kung ito ang buhay ko... Pano ko kakalimutan kung ang hininga ko ay siya...Napapagod na ako, pagod na pagod sa paghihintay...ngunit ganyan di ba ang pagmamahal? pagsasakripisyo..pagtitiis... Ngunit hanggang kailan ang pagtitiis, ang paghihirap..hanggang kailan ko ito mararamdaman, hanggang kailan ito papalo sa abo kong utak, hanggang kailan ito didikit sa makata kong puso, hanggang kailan ito iinog sa akyat-baba kong buhay... Simple lang siguro ang kasagutan...Hanggang masaya ako sa kanyang piling, hanggang tumatawa ako habang nasasaktan at habang naaliw ako sa unang bugso ng pag-ibig ay magtitiis ako, maghihintay...nang tapat at totoong paghihintay, para sa kanya.. para sa nag-iisa kong buhay. Hanggang sa mahanap niya ang dahilan ng kanyang buhay...hanggang sa makamit niya ang pinakarurok niyang tagumpay ay nasa likod niya ako...tumutulak, gumagabay!....Sana hindi ako mapagod sa kahihintay, sana hindi ako mapagod sa pagmamahal, Sana hindi ako susuko, sana hindi ako mawalan ng gana, sana hindi ako makahanap ng iba, sana kasi ito na ang nangyayari ngayon...