Friday, July 13, 2007

Miminsan na lamang akong nakagagawa ng tula!

Kung minsan ay gusto kong mamitak sa linang, mamidpid sa tumana, bilangan ang mga alitaptap na lumilipad tuwing wala ang mapanglaw na buwan,titingnan ang maririkit na bituin sa madilim na kalangitan at maniniwala sa mga matandang pamahiin at humiling sa buntot ng bulalakaw,ang magpatangay sa agos ng panaginip habang ako'y lumilipad sa kalawakan, ganitong ganito ang ginagawa ko noong mga panahong sumusungkit ako ng ideya, tumatahi ng mga galang salita at gumagawa sa pamamamagitan ng tula, maikling kuwento at sanaysay...Nililibang ko ang aking sarili at pinagmamasdan ko ang nilikha ng Diyos na ibinigay lamang sa taong nagpapahalaga nito, kung ako'y busog na sa panonood kaalinsabay nito ang pag-agos ng haraya para lumikha ng tula at iba pa!...Ngayon, Hindi na ako nakakalista ng mga hilig ko, ni ang sumungaw sa malamig na gabi upang dumaloy ang aking diwa! Sa kadahilanang wala ng oras, wala ng panahon! at dahil mas marami ang aking mababagong paniniwala sa bawat talakayan sa klase ay mas pipiliin ko ito...kahit na nga miminsan na lamang akong makagagawa ng tula! Kahit na nga miminsan na lamang....

" Yaon lamang taong marunong magpahalaga sa tula ang marunong magpahalaga sa buhay"

4 comments:

Unknown said...

ako rin ay isang taong mahilig magsulat...

sa pagsusulat ko naibabahagi ang aking mga nararamdaman, ideya at kung minsan, galit...

nagaganahan akong magsulat dahil ang buwan ay ngumingiti sa labas ng aking bintana...

may mga pagkakataong hindi ko maintindihan ang mga sinusulat ko.
tumatawa na lang ako..mag-isa..

minsan nakakalimutan ko ang ibig sabihin ng mga sinusulat kong salin sa wikang hapon! sakit sa ulo..

Pero, masaya ang magsulat!
Masarap sa pakiramdam!

Nakakatuwa!

richard moral,jr. said...

yun nga! salamat! ipagpatuloy mo!

Christian Malabuyoc Abagat said...

-[';']-

richard moral,jr. said...

ano to christian?