Wednesday, July 18, 2007

Sa piging ng mga magiging guro, ako'y nagsalita!

“ At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtumining ang kahungkagang nadarama niya kangina pa. At may sumungaw na luha sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya makikilala at hindi rin siya makikilala pa, ng pook na binalikan niya.”

Ikinagagalak ko ang pagpunta dito! Sa ating Dakilang Presidente Wilfredo Lubrico, FMS, Kay Dr. Noemi B. Silva, kay Ginoong Juan E. Almodiente, sa mga mag-aaral ng kolehiyo ng edukasyon, sa ating mga opisyales na bumuo at nagpatulo ng pawis…Sa inyong lahat Magandang Gabi!

Apat na taon, sa apat na taong ito’y naging pugad ang paaralang ito para pagyabungin ang nakatago kong talento at lakas, sa apat na taon ay sinubok ang natural kong kakayahan, bilang mag-aaral! Bilang isang lider! Hindi kaagad- agad maiwawaglit ang mga araw na aking ginugol, mga araw na marahil humubog at lumikha sa akin bilang isang ganap at tunay na tao! Kung maibabalik ko lamang ang mga panahong nalagas, mga panahong nagluluto sa likod ng gym para may ipakain sa manlalaro, panahon na nagpakita sa akin ng tatag at tapang, minsa’y naiisip ko ang kasutilang aking nagawa, nagtatago ako para hindi ako Makita ni Sir Amodiente para wala kaming ensayo sa maluwag na talumpati, ayaw ko kasing nag-eensayo ngunit wala pa rin akong ligtas huli pa rin ako! mga panahong may biglang tumawag sa akin habang nagsususlat ako ng sanaysay para sa kompetisyon dahil nadefault daw ang Basketball girls ng Kolehiyo ng Edukasyon, karaka-raka kung tinapos ito at tumalilis na pumunta sa court!
Hindi ko man sabihin ay namimiss ko ang mga panahong yun! At kailan man, saan man mapadpad ay babaunin ko ang karanasang nagturo sa akin kung papaano maging isang tunay na guro! Ngayon ay inihahabilin ko ang susi ng responsibilidad sa inyong presidente Bonifacio Suravilla III para ipagpatuloy ang sinumulang pakikibaka ng inyong lingkod…
Bago ako magtapos hayaan ninyong tapusin ko ito sa isang pantas:

“ Kung may dalawang batang ang isa’y may libro at ang isa’y wala, lamang ang may libro! Ngunit kung ang may libro’y hindi mahilig magbasa at ang walang libro’y mahilig, daig niya ang may libro!”

Magandang gabi at salamat!

( Binigkas noong ika-hulyo 14 2007 sa Pamantasan ng Notre Dame ng Marbel ng inyong lingkod!)

8 comments:

Unknown said...

time lost can never be returned..(as they say.)

ako man ay nalulungkot sa twing iniisip kong ilang buwan na lamang ay magtatapos na ako...

mamimiss ako ang unipormeng higit limang taon ko nang ginagamit at ang mga silid aralang naging saksi sa aking mga kabiguan at karanasan.

ang dahon nga nama'y nalalagas ngunit sisibol ang mga panibagong dahon.

kahit na masasakit ang aking mga naranasan, parte ito sa paghubog ng aking pagkatao at nagpapasalamat ako.

sa lahat ng tawanan, iyakan, at sa mga panahong magpapaalam na kami ng aking mga kakalase'y dala-dala namin ang mga bagay na natutunan namin sa isa't isa...

maraming salamat ginoong moral dahil ikaw man ay naging parte ng aking pagbabago!

ikinararangal kong maging estudyante mo!

j said...

It's good to be an inspiration to students!
besides, with the gruesome life we've been dealing now, no wonder we always search for an excuse to take a break once in a while...
Ayy... tapos na pala ang tinalak festival...
Hindi man lang ako nakasakay sa ferriswheel!!!
tama ba yung spelling??

richard moral,jr. said...

salamat sa inyong dalawa, sa panahong ibinigay ninyo!

j said...

Wala po iyon...:)
(naks.. ang galang ko!)

Ahhhh.. isa pa pala...

Remind lng po sa mga tao diyan (ehem)....
....
{BirthdAY ko Na Sa JuLy23!}

yehey! 15 na ako!!!

gEmAnGeLi said...

Sir nami ka gid bala...!
that's all:)

j said...

tapos na birthday ko...
haha...
birthday na ni lhea!
sa thursday, kay hareil naman!
=)

richard moral,jr. said...

salamat gem! kay Bb. Fulgencio Maligayang bati kahit tapos na!

j said...

naku!
ang damot mo naman magbigay ng mataas na marka...:c
pagkain man hanggang sa pagsasayaw!
sana ay pagpalain ka ng diyos upang makamit mo ang pagka-"mapagbigay"
:)
anyway, alang kaso yun...
xempre,
we shud respect the opinion of other people even if it completely opposes your idea...
:)

dapat pala ay patapusin mo muna kami ng hayskul bago ka lumipat sa ibang eskwelahan...

we are no ordinary class y'know!

P.S. ang ganda pala ng dahon ng iyong friendster...