Thursday, May 27, 2010

Kung Sino Si Richard Moral, Jr.

Kung Sino Si Richard Moral, Jr.,

1. May utak siya, kunti nga lang. Ayaw niyang magpatalo pagdating sa kanyang larangan.
2. Mayabang siya kung minsan pero sa tamang paraan.
3. Gusto niyang sumulat nang sumulat upang makagawa ng panibagong mundo.
4. Madali siyang umibig ngunit matagal makakawala sa sinumang kanyang iniibig.
5. Abot tainga ang kanyang halakhak.
6. Palagi niyang inaabangan ang ulan, ang dahong nahulog at lagaslas ng sapa.
7. Nagtuturo siya ng konseptong maka-Filipino na may kaugnayan sa malalim na pakahulugan.
8. Malalim siya kasinlalim ng balon ng inyong kapitbahay.
9. May uban na siya gayong wala pang uban ang kanyang ama at ina.
10. Naglalaro siya ng tong-it at kamakailan lang ng poker, pamparelax.
11. Mahal siya ng Barangay Mambucal at mahal niya rin ito.
12. Mahilig siyang gumala naimpluwensiyahan kasi.
12. Malawak ang kanyang pang-unawa kasinlawak ng inyong lupa sa baryo.
13. Ayaw niya ng mayabang kasi nga nasasapawan siya.
14. Ang kwento ang kanyang buhay at binubuhay din siya nito.
15. Palagi siyang nasasaktan kasi ideyalistik sa buhay.
16. Marunong siyang umunawa, dumamay, mag-advice ngunit walang direksyon ang kanyang buhay.
17. Hindi siya marunong ng gawaing bahay ngunit marunong sa buhay.
18. Pansit ang nagdurugtong ng kanyang hininga, kung wala nito matagal na siyang patay.
19. Gusto niyang kumanta ng "Tuwing Umuulan" at "Changes In my Life" habang umuulan at nag-iisa sa kwarto.
20. Gusto niyang mangarap nang mangarap.
21. Gusto niyang magkaroon ng negosyo upang makuha ang pangarap na yaon.
22. Gusto niya ng simpleng buhay.
23. Gusto niyang magturo sa bundok.
24. Gusto niyang matulog at managinip doon kasi masaya siya.
25. Mahalaga sa kanya ang pamilya, ito ang nagbibigay inspirasyon upang lumaban at bumangon.
26. Higit sa lahat, matibay siya kasintibay ng bato sa bundok ng Mambucal.

1 comment:

Unknown said...

Hi.. Sir Richard. Panay tawa po ako sa pagpapakilala niyo po sa sarili niyo. Pero ang galing niyo po talaga. Totoong huwarang guro po kayo sa Filipino. Isa po ako sa mga naging partesipante ng NTOT, mula Rehiyon 9. lodi.