Friday, November 27, 2009

Ang aking Pangarap ( Kung Sana Nga Lang)

Noong nasa kolehiyo ako, ang tanging pumapasok sa aking isipan ay kung ano ako sa hinaharap. Pinangako ko sa aking sarili na pagkatapos kong mag-aaral ay doon ako makikita sa liblib na bahagi ng bundok, nagtuturo ng mga kaalaman sa buhay, nagdadala ng kuwento, nagpapaabot ng mga bagong kahulugan sa buhay. Pinangarap kong magturo sa bundok, doon kasi walang chismis, hindi pinupuno ang iyong tenga ng mga panlalait, doon kasi walang nagpapalapad ng papel di gaya sa lungsod mahabang papel ang kailangang ihanda upang maging mabango ang pangalan sa paaralan. sa bundok kasi hindi mo maririrnig ang ugong ng mga sasakyan, hindi ka malilito sa abalang mundong iyong ginagalawan, doon malalanghap mo ang sariwang hanging palatandaan ng iyong buhay, may kapayapaang bumabalot sa iyong puso.Pinangarap kong sa bundok ako mamamalagi, doon nakagagawa ako ng mga kabutihang magpapabago sa buhay ng aking mga mag-aaral na di kailangang ipagsigawan, doon makikita mo ang kasimplehan ng buhay, mahahanap mo ang tunay na kaligayahan, kung sana makakaalis lamang ako sa paaralan ko ngayon, kung sana hindi pa ako mananatili nang kung ilang taon...hindi na ako masaya sa aking ginagalawang daigdig ngunit kailangan kong tanggapin na may misyon pa ako para sa aking sarili at sa aking pamilya...Sabik na sabik na akong makita ang aking sariling nakasakay sa skylab at dumadaan sa maputik na bahagi ng bundok, ang lulusong sa ilog at minsan pa'y maulanan sa gitna ng parang. Kung sana makakaalis na ako sa susunod na taon, kung sana lang kaya kong hilahin ang oras upang mapabilis ang ikot ng mundo, gusto ko ng umalis para sa aking sarili at sa aking pamilya, ito na lamang ang nagbibigay kahulugan sa aking buhay...Sila na lamang ang aking inspirasyon upang harapin ang mapait na bugso ng buhay. Kung Sana Nga Lang...

Saturday, November 7, 2009

-Isang Ligaw na Payo-

Hindi ko kayang kontrolin ang isang tao, hindi ko kasi pagmamay-ari ang kanyang buhay at katawan...Ngunit itinutulak ako ng aking sariling prinsipyo upang magpakumbaba para makausap at para lang makuha ang kanyang opinyon sa isang bagay. Isinulat ko ito hindi upang maipadama ko na naman ang pagmamahal ko sa isang tao, sinulat ko ito dahil gusto kong malaman niya na nag-aalala ako sa kanya, wala akong karapatang mag-aalala ngunit ito kasi ang sinisigaw ng aking damdamin, nag-aalala ako sa gabi-gabi niyang paglalamay sa paglalaro ng computer dahilan ng pamumula ng kanyang mata, nag-aalala ako sa kanyang kalusugan, sa kanyang maikling oras ng pagtulog, sa kanyang kalagayan...Hindi ko alam kung paano maiiba ang kanyang hilig o maiiba ba talaga? pero yun ang paraan niya upang makawala sa nakakapagod na trabaho ngunit hindi na ata tama na araw-araw na lamang at gabi-gabing naglalamay sa computer...mukha na siyang walang tulog, bangkay na naglalakad, payat, walang lakas, haggard, stress masyado dahil lamang sa kanyang kinahuhumalingan.. Ano nga ba ang magagawa ko kundi ang sabihin sa kanya at ipaalala sa kanya na please magpahinga muna siya at magrelax sa buhay..na mag-iingat siya dahil napakaikli lamang ng buhay...dahil kung wala siya hindi ko alam kung matututo pa akong magmahal...Ingat Yan!