Tuesday, June 16, 2009

Pananabik

Marami akong pinanabikang bagay. Mga bagay na marahil ay bahagi ng aking buhay. Marami akong namimiss sa buhay, lagaslas ng batis na pinakikinggan ko tuwing dumaraan sa maliit at makitid na sapa na kailangan kong tawirin upang ako ay makarating sa panulukan ng aming paaralan, dalisdis ng bundok na piping saksi ng aking kalikutan noong ako ay abnormal pa sa kabalighuan ng mundo, ang puno ng bayabas na humubog sa akin kung paano mangarap...tuparin ang pangarap na yaon...at ialay ang mga pangarap na yaon, sa kanyang mga sanga ay natuto ako kung paano maging maingat, kung saan ako hahakbang at paano ako kikilos. Ang puno ng bayabas ang nagturo sa akin kung paano maging matibay sa bawat hamon ng buhay, kung paano ako maging malakas sa bawat unos na kakatok sa aking magulo at makulay na mundo. Namimiss ko ang mga bagay na ito, mga bagay na babaunin ko sa aking patutunguhan, sa aking pupuntahan. Isa na nga akong bagong nilikha. Nararanasan ko na ngayon kung paano umibig, kung paano ang umasa, kung paano ang magtiis. Isa pala itong pangako, isang panuntunan sa buhay. Tulad ng aking mga karanasan sa buhay na nagsisilbing malaking punyal na umuukit sa aking puso tuwing nakalilikha ako ng isang kamalian nawa ang pag-ibig na nararamdaman ko ngayon ang magdadala sa akin tungo sa matagal ko nang hinahangad na kaligayahan.


P.S Maligaya ako ngayon kahit hindi matutupad ang nais ko sa kanya. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil hinuhulma niya ako kung paano maging isang tunay na tao.

8 comments:

Anthony Yusay said...
This comment has been removed by the author.
Anthony Yusay said...
This comment has been removed by the author.
Anthony Yusay said...

Kumusta Sir Moral? Ito pala ang iyong blog. Naging interesado po kasi ako nang nabanggit mo ito sa klase . Dahil palagi naman akong nakababad sa internet ay sinubukan ko na ring hanapin ito. At nahanap ko nga. Humahanga po ako sa inyong mga nilikhang tula, magaling po. Magkita-kita na lang po tayo sa klase. Hanggang sa muli.

PS: Wala lang, gusto ko lang talaga gumamit ng tagalog. Alam kong malapit nang sumabog utak niyo sa mali-maling balarila gaya nang comment sa itaas. Patawad.

richard moral,jr. said...

salamat anthony...napapahalagahan ko talaga ang mga taong nagbibigay komento sa akin. hehehe

richard moral,jr. said...

salamat anthony...napapahalagahan ko talaga ang mga taong nagbibigay komento sa akin. hehehe

richard moral,jr. said...

salamat anthony...napapahalagahan ko talaga ang mga taong nagbibigay komento sa akin. hehehe

richard moral,jr. said...

salamat anthony...napapahalagahan ko talaga ang mga taong nagbibigay komento sa akin. hehehe

Moonbear said...

oist. wala lang^^