Saturday, September 14, 2013

May nakuhang bayabas si tomas Richard P. Moral, Jr. Dalawang gasgas, dalawang sugat Dalawang sugat na nananatak, Tumatagaktak ang pawis ni Tomas Kumukurot, kumikirot, sumusuot ang hapdi Sa tuhod ni Tomas dahil sa likot ay nahulog sa marupok na sanga ng bayabas. Tuluyang umaray si Tomas, daig pa ang kalabaw sa pag-unga, Walang binatbat ang kokakan ng mga palaka. Dalawang gasgas, dalawang sugat Dalawang hinog na bayabas Ang nakanganga sa tuhod ni Tomas. Hindi lang dalawang beses pinagsabihan ni Letlet Na huwag umakyat sa punong bayabas si Tomas, Ang nais ni Letlet ay manungkit, ayaw ni Tomas. Ayaw ni Tomas ang manungkit, gusto niyang sumabit Gusto niyang sumabit kaya ngayon siya’y may gasgas, Dalawang hinog na sugat dahil sa bayabas.

No comments: