Wednesday, June 30, 2010

----Ganito na lang lagi-----

Ibibigay ang lahat-lahat
Handa kong gawin
Lahat ng iyong hiling
Sukli man ay sugat sa puso

Karamay ka
Sa hirap at saya
Masaktan mo man damdamin ko
Ako'y nandyan pa rin
Sa iyong tabi

Kapag ako ay nagmahal
Ang lahat ng ito'y magagawa
Hindi magbabago
Hindi maghahangad
ng anumang kapalit

Kapag ako ay nagmahal
Umiyak man ako
Hindi ko ito ikakahiya
Handa akong magtiis

Kapag ako,
Kapag ako ay nagmahal

Sa iyo lamang
Iikot aking mundo
Sa akin balewala
Sasabihin ng iba
Basta't alam ko mahal kita


Hindi ka man maging akin
Lahat ng ito'y gagawin
Kapag ako,
Kapag ako ay nagmahal...


Mahirap sabihin na hindi ka nasasaktan pero sa kaibuturan ng iyong puso ay nagdurugo ito. Mahirap sabihing okay lang kahit alam mo sa iyong isip na hindi ito okay. Hindi ko alam kung paano umiwas at tuluyang makalimot. Hindi ko alam kung paano kumawala at hayaang tangayin ng hangin ang bawat hinaing at hinagpis ng puso, ngunit mahirap, para kang nagpapatiwakal, para kang naglalaslas ng pulso habang nananaginip sa kawalan. Paano nga ba talikuran ang poot? at paagusin ito palabas sa nanlilimahid na ugat. Mahirap dalhin ang ganitong sitwasyon, hindi ka magagalit, hindi ka dapat masaktan, hindi ka dapat magreklamo, hindi ka dapat iiyak, hindi ka dapat magpalabas ng emosyon dahil wala pa rin itong halaga..dahil wala kang karapatan..hanggang kailan ako magiging ganito? sana kaya ko pa. sana makakaya ko pa.

1 comment:

teddy_angel said...

ay...serious na ang drama? hehe! so mag advice2x kunuhay q. xmpre mas matanda ako sau ng 5 yers! hahhaa! normal lng man na nga masakitan ka pag abot sa love. at saka e enjoy mo lang bisag sakit.e offer mo lang tanan ky God tanang sakit.olwys rmmber "wag kang matakot masaktan dahil pag nasaktan ka,dun mo lang malalaman at mararamdaman ang tunay na kasiyahan" (wrong grammar xa pro basta ana ang thought) irony but certified true xa!