Sunday, March 15, 2009

Dahil Lamang.....





Kung bakit ang pinakamatamis na nilkha ng Diyos ay siya ring pinakamasakit sa lahat...Kung bakit hindi kayang pigilan ng damdamin ang umaasong pagmamahal at kung bakit hindi kayang kontrolin ng utak ang umuusok na pagnanasa. Bakit nga ba nagmamahal ang isang tao, ngunit wala namang patutunguhan...Bakit nga ba kailangan magsakripisyo , masaktan, masugatan, madapa, mabigo, umiyak...Bakit nga ba parang sinusundot ang aking puso, inuusig, nagmamakaawa...nais ko ng sumuko, nais ko ng bumitiw, ngunit papano ko bibitiwan kung ito ang buhay ko... Pano ko kakalimutan kung ang hininga ko ay siya...Napapagod na ako, pagod na pagod sa paghihintay...ngunit ganyan di ba ang pagmamahal? pagsasakripisyo..pagtitiis... Ngunit hanggang kailan ang pagtitiis, ang paghihirap..hanggang kailan ko ito mararamdaman, hanggang kailan ito papalo sa abo kong utak, hanggang kailan ito didikit sa makata kong puso, hanggang kailan ito iinog sa akyat-baba kong buhay... Simple lang siguro ang kasagutan...Hanggang masaya ako sa kanyang piling, hanggang tumatawa ako habang nasasaktan at habang naaliw ako sa unang bugso ng pag-ibig ay magtitiis ako, maghihintay...nang tapat at totoong paghihintay, para sa kanya.. para sa nag-iisa kong buhay. Hanggang sa mahanap niya ang dahilan ng kanyang buhay...hanggang sa makamit niya ang pinakarurok niyang tagumpay ay nasa likod niya ako...tumutulak, gumagabay!....Sana hindi ako mapagod sa kahihintay, sana hindi ako mapagod sa pagmamahal, Sana hindi ako susuko, sana hindi ako mawalan ng gana, sana hindi ako makahanap ng iba, sana kasi ito na ang nangyayari ngayon...

2 comments:

Moonbear said...

ahem... ian

teddy_angel said...

sir richard..ganyan talaga ang emotion di natin kayang kontrolin. di ba sabi nila wen u lov sum1,dont xpect sumthing in return. magmahal ka lang and thats d beauty of love. hindi lahat ng tao naka xperienz ng tunay na lov,kaya hanga ako sau!:)enjoy:) nytie nyt