
ilang taon na nga ba ang lumipas at nataktak, ilang araw ang nalagas at nahulog...namimiss ko na ang bukid...namimiss ko na ang halakhakan tuwing kami'y lulusong sa sapa at manghuhuli ng butete, papakainin si kalakian at susundutin ang kanyang gulugod para magalit at kami'y magsisitawanan...Namimiss ko na ang mga sandaling hinugis ako ng aking kalikutan, ang mga kalaro ko't katunggalian...ang buhay elementarya at buhay bukid na aking naranasan...sana'y makakahuli pa ako ng tutubi, makapaglalaro sa ulan...sana'y sa panibago kong mundo ay makakaniig ko pa ang bukid, ang pook, ang tumana na aking nakagisnan...Namimiss ko sila nguni't namimiss rin kaya nila ako?
kumakaway sila tuwing ako'y lumulusong sa bayan, ngumingiti kong ako'y nagbabalik...sa simpleng kadahilanang hindi ako naging dayuhan sa aking sinilangan at sa payak na pananalita'y namimiss nila ako at sila'y nalulungkot dahil minsan na lamang kaming magkakapiling... Namimiss nila ako at ya'y patulo'y kong nararamdaman...
"masuwerte ang mga batang lumaki sa bukid dahil alam nila ang halaga ng buhay, ang sarap ng pakikipamuhay,mapalad sila dahil tulay sila ng kahapon at ngayon, sila ang piping saksi ng pagbabago...ang mga bata sa bukid ang time machine ng makabagong mundo"
( P.S Brgy. Mambucal at Mambucal elementary school...Maraming maraming salamat)