Ang haraya ay ang pagliliwaliw ng isip, upang makimasid, makipaglaro sa guni-guni, makahalikan ang alitaptap tuwing gabi, makaniig ang buwaya, tutubi at paniki, ito'y ang pagsisid sa pinakadulong bahagi ng ating buhay...upang mamuhay at makipamuhay...ang maaliw at malibang...upang manakip at manguha ng mga banyagang HARAYA.
Kasama ko ang hangin, habang dinuduyan ako ng kanyang halimuyak ay nararamdaman ko ang kapayapaan sa aking puso....semana santa at ako ngayo'y kapiling ng mg puno't burol ng aking nayon.