Ang haraya ay ang pagliliwaliw ng isip, upang makimasid, makipaglaro sa guni-guni, makahalikan ang alitaptap tuwing gabi, makaniig ang buwaya, tutubi at paniki, ito'y ang pagsisid sa pinakadulong bahagi ng ating buhay...upang mamuhay at makipamuhay...ang maaliw at malibang...upang manakip at manguha ng mga banyagang HARAYA.
Sunday, August 9, 2009
Pamamaalam
Isang taon akong naligaw dahil sa pagmamahal, ngayon magbabalik na ako sa aking sarili...Naaalala ko dati ang hangin na pinagmamasdan ko tuwing ang lungkot ay kumukumot sa marupok kong puso.Naaalala ko ang gumagalaw na dahon tuwing papalubog ang sikat ng araw, sumasayaw ito sa alapaap at habang pinagmamasadan ay natutukso akong hulihin at mapasakamay ko ang dahong natangay ng hampas ng hangin. Naaalala ko ang pamimitas ng bulaklak tuwing aalis ako ng bahay upang magbanat ng buto, higit sa lahat naaalala ko ang aking sarili, namimiss ko ito, kung sino ako, ano ako...Dahil sa pag-ibig at sa isang taong hinangaan ko araw-araw, gabi-gabi..Dahil doon nagbago ang takbo ng aking buhay, naging hangal at bulag ako sa katotohanag masasaktan ako sa hinaharap. Sa halos isang taon ay natuto akong magtiis, kalimutan ang aking sariling pangangailangan sapagkat inuuna ko at iniisip ang taong akala ko ay karugtong ng aking buhay at hininga, akala ko hindi ako masasaktan! akala ko walang katapusan ang aking pagmamahal ngunit kailangan ko pa palang mauntog at masaktan nang tagos sa puso, ang umiyak sa gitna ng kalsada habang umuulan, ang magmakaawa dahil lamang sa pagnanasa.. Inaamin kong handa na ako sa ganitong mga bagay...ngunit kung nandiyan ka na pala sa totoong pangyayari ay makakalimutan mo kung gaano mo siya kamahal...Sa halos isang taon ay marami akong natutunan, utang ko sa kanya ang ibang mga bagay. Ngunit pilit ko mang ibinabalik ang pagmamahal na tumakas sa aking puso ay hindi maaari, dahil namumugad na ang pait at galit dito...Gusto ko mang humingi ng tawad ay hindi dapat sapagkat kailanman ang katangahan ay matatawag lamang na katangahan kung isang beses lamang itong naubukan.Papaano nga ba mamamaalam sa isang taong mahal na mahal mo? Papaano nga ba wawakasan ang tinitibok ng puso? papaano nga ba ibabalik kung puno ng poot at paghihiganti? Hindi ako mang-aaway sa kanya kundi isang matamis na ngit ang aking ipapabaon sa kanya sabay sabing "mag-ingat ka at nawa'y may magmahal pa sa iyo, kagaya ng pagmamahal ko".
Sunday, July 5, 2009
Tuesday, June 16, 2009
Pananabik
Marami akong pinanabikang bagay. Mga bagay na marahil ay bahagi ng aking buhay. Marami akong namimiss sa buhay, lagaslas ng batis na pinakikinggan ko tuwing dumaraan sa maliit at makitid na sapa na kailangan kong tawirin upang ako ay makarating sa panulukan ng aming paaralan, dalisdis ng bundok na piping saksi ng aking kalikutan noong ako ay abnormal pa sa kabalighuan ng mundo, ang puno ng bayabas na humubog sa akin kung paano mangarap...tuparin ang pangarap na yaon...at ialay ang mga pangarap na yaon, sa kanyang mga sanga ay natuto ako kung paano maging maingat, kung saan ako hahakbang at paano ako kikilos. Ang puno ng bayabas ang nagturo sa akin kung paano maging matibay sa bawat hamon ng buhay, kung paano ako maging malakas sa bawat unos na kakatok sa aking magulo at makulay na mundo. Namimiss ko ang mga bagay na ito, mga bagay na babaunin ko sa aking patutunguhan, sa aking pupuntahan. Isa na nga akong bagong nilikha. Nararanasan ko na ngayon kung paano umibig, kung paano ang umasa, kung paano ang magtiis. Isa pala itong pangako, isang panuntunan sa buhay. Tulad ng aking mga karanasan sa buhay na nagsisilbing malaking punyal na umuukit sa aking puso tuwing nakalilikha ako ng isang kamalian nawa ang pag-ibig na nararamdaman ko ngayon ang magdadala sa akin tungo sa matagal ko nang hinahangad na kaligayahan.
P.S Maligaya ako ngayon kahit hindi matutupad ang nais ko sa kanya. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil hinuhulma niya ako kung paano maging isang tunay na tao.
P.S Maligaya ako ngayon kahit hindi matutupad ang nais ko sa kanya. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil hinuhulma niya ako kung paano maging isang tunay na tao.
Friday, June 5, 2009
SA BUHAY NA ITO.....
Para ako ngayong ibon...lumilipad nang malaya at nakagagalaw nang may ngiti ang puso. kahit ba nararamdaman ko ang unti-unting pagbabago at pakikitungo sa nag-iisa kong buhay at pag-ibig ay nararamdaman ko ang bigat ng aking puso. Gusto kong makausap siya lagi. Gusto kong kasama ko siya araw-araw, hindi ako nagsasawa. Gusto kong bumalik ang dati naming samahan, hindi nagkakailangan, hindi nahihiya sa isa't isa..Sa bawat araw na nilikha ng Diyos ay natuto akong magtiis at humanga sa kanya, nangangarap at nasasabik sa kanyang mukha..Alam ko na kabaliwan na ang nararamdaman ko, hindi na ito tama...Hanggat kaya ko pang magmahal at alagaan siya ay gagawin ko...hanggat ang puso ko ay tumitibok iaalay ko ito sa kanya...hanggat ang pangarap niya ay hindi pa nakakamit, narito ako at nakatayo sa kanyang likuran. Hindi ko kailangan ang sagot niya o kung gusto niya ako, ni hindi ko tinitingnan kung kaibigan lang ang turing niya...hindi na ako umaasa dun...ang mahalaga, maligaya ako sa bawat nakakamit niya...natutuwa ako, kahit nasasaktan...para sa kanya ang lahat ng aking ginagawa at di siya kailanman mapapalitan sa aking puso, dumaan man ang maraming tukso...Sa kunting panahon ay nabago niya ako at mababago pa...Lagi siyang laman ng aking dasal, araw-araw, gabi-gabi...
Saturday, March 21, 2009
Ang Aking Mundo
1. Tula at Kuwento
- Naisusulat ko ang hindi ko naipapalabas sa personal. naging sandigan ko ang pluma at papel bilang instrumento sa pagbabago ng aking sarili, upang matamo ko ang kaligayahang aking nararamdaman.
2. Pagbabasa
- Ibang mundo ang aking nalalakbay, sinusuyod ko mula sa pusod ng mundo ang mahihiwagang bagay na nililikha ng tao. Napapalapit ako sa imahinasyon, sa mundo ng pag-asa, nakalilipad ako sa pangarap at nakakawala sa kadena ng madugong katotohanan at realidad.
3. Pagtuturo
- Para bagang isang bagong nilikha ang aking nakikilala sa bawat araw na ako'y nagtuturo, pinapaalab ng aking puso at adhikain ang paniniwalang ang Guro ang tagahubog ng mundo! Sinisilaban nito ang aking panaginip na sana bukas, panibong mundo na ang aking makikita.. nagkakaisa, payapa, mapagmahal at nagtutulungan.
4. Paghanga
- Minsan lang akong humanga sa tao..Sinisigurado ko na karapat-dapat hangaan at saluduhan ang isang nilalang kung ipinakita niya sa akin ang aspeto ng pagbabago na malayo at hindi ko kayang magawa.. Humahanga ako sa taong wala at malayo sa aking katangian, lubos pa, pinangarap kong maging katulad nila...nguni't hindi ko maaaring balewalain ang aking sarili dahil masaya na ako kung ano ako at sino ako, ang kulang na lang ay yaong may magmamahal sa akin at tatanggapin ang aking pagkatao nang buong-buo.
5. Talino
- Ang nais ko'y matalino lahat ng tao, para bagang uhaw na uhaw ako sa katalinuhan, sabik na sabik na mapasaakin upang ito'y aking magamit sa tama at sa aking pagtuturo..Ito ang puhunan ko sa pakikipagkapwa kahit na ba, minsan inuuna ko itong tingnan kaysa sa pag-uugali ay nakikita ko pa rin ang kabutihan ng mga taong minsan ko nang nabansagang matalino...
6. Bundok
- Ito ang kanlungan ng aking pangarap, tagahubog ng aking bukas, inspirasyon sa aking paglalakbay. Dito ko ibabalik lahat ang aking mga pangarap, dito ko iaalay ang lahat ng aking tagumpay dahil lubos akong minahal ng aking nayon, ipinakita ang pag-aaruga, pinalaki ng maayos ng aking pamilya..Sila ang aking pinagkakautangan...Sila ang aking gagantihan.
Ito ang aking mundo...Mundong malayo sa katotohanan..ito ang buhay ko...buhay na kaiba sa karamihan...Ito ang pangarap ko, pangarap na kailanman ay hindi maipinta sa bughaw na langit ngunit patuloy kong ipinaglalaban...Ang mundo at ang buhay ko ay isang sining punung-puno ng pangarap, pag-asa at pag-unlad.

Sunday, March 15, 2009
Dahil Lamang.....

Kung bakit ang pinakamatamis na nilkha ng Diyos ay siya ring pinakamasakit sa lahat...Kung bakit hindi kayang pigilan ng damdamin ang umaasong pagmamahal at kung bakit hindi kayang kontrolin ng utak ang umuusok na pagnanasa. Bakit nga ba nagmamahal ang isang tao, ngunit wala namang patutunguhan...Bakit nga ba kailangan magsakripisyo , masaktan, masugatan, madapa, mabigo, umiyak...Bakit nga ba parang sinusundot ang aking puso, inuusig, nagmamakaawa...nais ko ng sumuko, nais ko ng bumitiw, ngunit papano ko bibitiwan kung ito ang buhay ko... Pano ko kakalimutan kung ang hininga ko ay siya...Napapagod na ako, pagod na pagod sa paghihintay...ngunit ganyan di ba ang pagmamahal? pagsasakripisyo..pagtitiis... Ngunit hanggang kailan ang pagtitiis, ang paghihirap..hanggang kailan ko ito mararamdaman, hanggang kailan ito papalo sa abo kong utak, hanggang kailan ito didikit sa makata kong puso, hanggang kailan ito iinog sa akyat-baba kong buhay... Simple lang siguro ang kasagutan...Hanggang masaya ako sa kanyang piling, hanggang tumatawa ako habang nasasaktan at habang naaliw ako sa unang bugso ng pag-ibig ay magtitiis ako, maghihintay...nang tapat at totoong paghihintay, para sa kanya.. para sa nag-iisa kong buhay. Hanggang sa mahanap niya ang dahilan ng kanyang buhay...hanggang sa makamit niya ang pinakarurok niyang tagumpay ay nasa likod niya ako...tumutulak, gumagabay!....Sana hindi ako mapagod sa kahihintay, sana hindi ako mapagod sa pagmamahal, Sana hindi ako susuko, sana hindi ako mawalan ng gana, sana hindi ako makahanap ng iba, sana kasi ito na ang nangyayari ngayon...
Subscribe to:
Posts (Atom)