Thursday, December 22, 2011

Pilak (Para sa Aking Ika-25 Kaarawan)

Pilak
(Para sa Aking Ika-25 Kaarawan)


Sa ilang ay may munting pilak...
nahahamugan sa gitna ng dawag...
nalalamigan sa ulang tumatagtak...
at sa hamon ng hangi'y naduduwag...

May munting pilak at siya'y umiiyak...
kinukumutan ang gabi ng banaag...
ang langit sa kanya'y hirap...
at ang diwa'y nauupusan ng galak...


Biglang kuminang ang pilak...
bumulaga sa gitna ng liwanag...
inakyat pati ang ulap...
at ano ang masasabi ng mga alitaptap?

Hinawan ang landas...
inilawan ang bukas...
inabot ang pangarap...
nilangoy ang dagat...

at anong sabi ng ginto?
anong wika ng tanso?
ngayong ang pilak ay nagagalak...
patuloy at walang puknat sa pagsulak...


25 limang taon na...
hinubog ng panahon...
hinulma ng pagkakataon...
binago ng dalawampu't limang taon...